Sunday, January 18, 2015

Maalam Sa Pera Ang Pinoy (Tampok ang Isang 22 Anyos na Independent Contractor)

Sa pagkakataong ito, hindi ko muna ibibida si Water Sprite. Alam mo ba kung bakit? Inilulunsad dito ngayon ang kauna-unahang serye ng bahagi ng blog na ito, ang Maalam Sa Pera Ang Pinoy series. Kung kaya't mapalad tayong napaunlakan ng isa nating kababayan ang imbitasyon ko na panayam. Siya ay napili ng inyong lingkod mula sa isang closed group ng Facebook, ang Filipino Financial Freedom Forum. Kilalanin natin si Gab, 22 taong gulang at isang Freelance Administrative Support/Software Developer. Kahanga-hangang sa ganyang edad ay maaga siyang namulat sa pag-iimpok ng salapi at nangahas na mag-invest. Si Gab ay nagtapos sa kolehiyo na may kursong Culinary Arts at siya'y binata pa.


Photo: Young Investor [thanks]
Sa artikulong ito malalaman mo na kahit pa man nagsisimula ka pa lamang kumita ng pera, na kahit humigit-kumulang na dalawang taon pa lang ang nakalipas mula sa unang pagtanggap mo ng payslip, ay posibleng posible na ikaw ay makapag-ipon ng pera, at ito ay mailagay mo sa institusyong namamahala (mutual fund o UITF) upang lumago pa ang mga naipon mo. Narito ang panayam ko kay Gab...

Related Story: The Working Pinay's Black Purse and Her Pursuit To Saving Money

A.P. Sapungan: May investment ka na sa Mutual Fund?
Gab: Mayroon.

A.P. Sapungan: May investment ka na sa UITF?
Gab: Mayroon.

A.P. Sapungan: May investment ka na sa Stock Market?
Gab:  Wala.

A.P. Sapungan: Patuloy ka pa bang mag-i-invest sa mga susunod na buwan?
Gab: Oo.

A.P. Sapungan: Saan nanggaling o manggagaling ang pera na pinang-i-invest mo?
Gab: Mula sa sweldo lamang.

A.P. Sapungan: Paki salaysay kung paano mo personal na ipinapatupad ang pagtatabi ng pera para makapag-invest.
Gab: Every sweldo I reserve 20-25% of it para iinvest (before sa emergency fund ko sya nilalagay).

A.P. Sapungan: Sa anong edad mo natutuhan ang pag-invest?
Gab: 22

A.P. Sapungan: Ano o sino ang naka-impluwensiya sa iyo para mag-invest?
Gab: I've heard about investments before... pero I wasn't really interested that time... then last yr. I saw an article about investing your 10k... so yun... I started reading about investments.

A.P. Sapungan: Bakit kailangan mong mag-invest? Ano ang gagawin mo sa pera kung sakaling tumubo na ng malaki ang investment mo?
Gab: To be financially stable.... travel :)

A.P. Sapungan: Paki larawan kung ano ang nakikita mo sa sarili mo pagdating ng 5 taon, kung personal finance ang pag-uusapan.
Gab: Financially stable.

A.P. Sapungan: Paki larawan kung ano ang nakikita mo sa sarili mo pagdating ng 5 taon, kung personal finance ang pag-uusapan.
Gab: Super financially stable haha.

A.P. Sapungan: Ano ang iyong mensahe para sa mga taong hindi pa namumulat kung paano talaga dapat hawakan ang pera?
Gab: Etong job ko is my first job ever... honestly at first wala talaga sa isip ko yung investment. Every sweldo I do buy things na considered as luho like gadgets etc.etc yung tipong halos wala ng savings... Naisip ko kasi na wala namang masama because pinaghirapan mo na yun, you work hard to get the things you really want. Ilang months din na ganun... then one day nagsawa na ako... haha... siguro dahil nabili ko na lahat ng gusto ko, I was like, now what? Or like shocks andami kong gastos... dun na ako nagstart mag isip about my future so nagstart ako magread about financial management, started sa savings na for future use. I make sure na bago ako gumastos may allotted na ako sa savings, then yung gastos ko then yung matitira pa yun yung iniipon ko or ginagamit ko to reward myself like for luho stuff...

I think wala namang masama if magkajob ka then bumili ka ng luho mo for several months just to reward yourself lalo na kung first job mo after you study and nakadepende ka pa sa Parents mo... pero dapat after sometime mag isip ka na rin about your future. Pwede ka pa rin naman bumili ng mga luho mo... but start to manage your finance and look into the future... yun lang...:)

Related Story: Philequity: First Investment Vehicle For A Working Pinay

Tama si Gab. Mabuti na at nag-enjoy s'ya sa kinita n'yang salapi, subalit kakaiba pa rin s'ya sa lahat ng kabataan ngayon na unlimited ang pagi-enjoy nila. Hindi s'ya katulad ng marami nating kababayan na dumating na sa katanghalian ng buhay ngunit wala pa ring planong pang-financial, laging gipit, at laging nangungutang.

Si Gab ay maagang namulat sa kahalagahan ng pagsubi at nakumbinsi s'ya na mas maaga mas mabuti, hindi 'yong ang tugon ay "saka na...". Sa tingin ko'y katapangan ang mag tabi ng 20% ng sweldo bawat payday kung kaya't...

Sa ngalan ng Cute Pinay Goes Investing, binabati kita! Marapat lamang na mabasa ng buong mundo ang mga sinabi mo sapagkat isa kang halimbawa ng Pilipinong kumikilos tungo sa pag-angat sa buhay, at natitiyak kong marami sa kanila d'yan ang susundan ang mga ginagawa mo. Ipagpatuloy mo lamang 'yan Gab.

Mabuhay ka!



P.S.

Ikaw ba ay isa sa mga katulad ni Gab na nagsimula nang humakbang tungo sa pangarap na maging malaya sa pananalapi? Ikaw ba ay may investment na sa mutual fund o UITF o stock market? Kung "oo" ang mga naging tugon mo sa mga katanungang into, marapat lamang na maitampok ka bilang Maalam sa Pera ang Pinoy, at tulad ni Gab ay maging daan ka nawa tungo sa kamulatan ng ating mga mahal sa buhay.

Maaari kang mag-iwan ng mensahe, ibigay ang iyong pangalan at e-mail address:
Cute Pinay Goes Investing
Photo: Contact Us [thanks]
Maaari ka ring pumunta sa fan page ni Pinay Water Sprite (huwag kalimutan mag-Like) at doon mag-iwan ng mensahe:


No comments:

Post a Comment